Need Textmates, Friends, Clans? Join Txtmania Forums

Meet more friends and textmates. Join Txtmania Chat!

Tagalog quotes and greetings

Printer-friendly versionSend by emailPDF version
Average: 4.6 (8 votes)

Tagalog quotes and greetings

Bakit pag nakikita ka, bigla akong sumisigla? Isa lang ang ibig sabihin. May lagi kang dalang pagkain.

Kahit maganda at sexy ka, mahal na mahal kita. Good morning.

Dating maligalig at saan saan ang nais mapuntahan, sa buwan, ibang planeta o kahit na Greenland. Nang ika'y makilala mayroon akong nalaman. Ang paraiso pala'y sa tabi mo lamang.

Wag kang mag-alala, kaibigan kita. Di lalayo sa tabi mo pag may problema.  Pag nadapaka, sasabihan kita. Tama na, tumayo ka na.

Muntik na lang kitang minahal, buti na lang tinamad ako.

Giliw ko akoy nahihirapan na di mo ako pansin o maisip lamang. Sabihin mo sanang akoy iyong naaalala upang akoy makadama ng kaunting ginhawa.

Ang pagbati ng magandang umaga, ang ibig sabihin ang taong binabati ay mahalaga, at lagi mong gustong makita.  So para sayo, magandang umaga!

Gusto ko mang huwag magselos, pero ang tunay na nagmamahal, di makasunod sa utos, at may damdaming lubos, na parang isa lang sa mundo ang dapat kairog.

Ang beauty mo parang isang kisapmata. Kanina lang andian, bakit bigla na lang nawala.

Kapag nami miss mo madalas ang isang tao, isa lang ang ibig sabihin.  Hindi kayo.

Bawat umaga ay pagpapala.
Bawat tilaok ay hiyaw ng pag asa.
Bawat huni ng ibon ay awit ng tuwa,
At bawat paggising ay panibagong pakikibaka.
Diyos ay pasalamatan,
mamuhunan ng ngiti, sa Diyos ay bumati,
Upang sa buong araw maglaho  ang  pighati!

Inaamin kong akoy makasalanan, subalit kay Jesus ay ginawang banal.

Recent Comments